top of page
revoke-eo30.7827b6b.webp

PETITION

Petisyon para Ibasura ang Executive Order 30

 

Kami na mga nakalagda ay nanawagan na ibasura ni Pangulong Duterte ang Executive Order 30 na nilagdaan niya noong Hunyo 28 2018

 

Kami ay naniwala na

Magagawang balewalin ng mga “coal power companies” ang mga prosesong dapat pagdaanan para makakuha ng mga kaukulang permiso at sertipikasyon na nakaaad sa ating mga batas. Ang masinsin at metikulosong proseso ng pagkuha ng mga kaukulang permiso ay paiikliin sa loob lamang ng 30 araw.

Sa pag-shortcut ng mga rekisito sa pagkuha ng permiso, ang E0 30 ay magbibigay ng mayor na bentahe sa mga korporasyon sa pagtaayo ng mga proyektong pang kuryente na magbabalewala sa kapakanan sa mga komunidad at mga katutubo,lalo’t higit sa mga pangunahing naaapektuhan at maapektuhan ng mga coal plant na nakatayo na at itatayo pa lamang

Ang “presumption of prior approvals” na nakasaad sa EO30 ay ituturing na aprubado na ang mga permiso kahit ito ay nilalakad pa lang. Malimit na magkakaugnay ang mga permiso para sa isang proyekto, sa pamamagitan ng presumption of prior approval, iaatang sa mga tumutuligsa sa isang proyekto dahil sa panganib na idudulot nito ang pagpapatunay na wala pang kaukulang permiso ang isang proyekto. Pabor sa negosyo, lugi ang tao.

Magreresulta ito sa pagragasa ng mga coal plants, mga plantang mapanira sa klima, kalikasan, kalusugan, kabuhayan at buhay ng komunidad . Titindi ang karahasan at harassment sa mga komunidad na tumututol sa mga coal plant projects pagkat EO30 mismo ang lisensya para iratsada ang mga kahalintulad na proyekto sa kabila ng hindi pagdaan sa prosesong dapat kabilang ang mamamayan.

Magdudulot ito ng pagkatali ng mga electric consumers sa mahal at maruming kuryenteng babayaran ng ilang dekada pagkat ang karamihan sa mga proyekong nakahilera sa turing na Energy Projects of National Significance (EPNS) alinsunod sa EO30, na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3 Bilyon ay mga coal plants;

Sa mga nabangit na kadahilanan kami ay naghahain ng petisyon upang ibasura ng Pangulong Duterte ang nasabing kautusan at pakingan ang hinaing naming mga consumers.

Executive Order 30, Ibasura!
Interes ng Consumer, Protektahan!
Isulong Ligtas, Malinis at Abot-kayang Kuryente!
pmcj-logo-white.eefb55e.webp

Contact Us

+639 (028) 292 5935

Follow Us

  • LinkedIn
  • Facebook
  • X
  • Instagram
bottom of page